Search This Blog

Monday, March 10, 2014

Apat na Tayo



Apat na Tayo

Makalipas ang isa , dalawa at tatlo
Ngayon taon na ito ay apat na tayo
Apat na taong malimit mang magkalayo
Apat na taong malimit mang nagtatalo
Apat na taong wala namang pagbabago
Pag –Ibig sa isa’t isa na ating ipinangako

Apat na Tayo, Ikaw at Ako
Nakalipas na tatlo mahirap mang binuno
Sabay nating hinarap, sabay na tumayo
Mga suliranin sabay nating sinalo

Apat na Tayo, Ikaw at ako
Patungo sa limang taong walang susuko
Patungo sa sampung taong walang mabibigo
Patungo sa kailanman, walang magbabago

Apat na Tayo, kasama si Trisha at si Noah
Mga anak natin na lalong nagpapabuo
Sa pag-ibig nating di kailanman hihinto
Umabot man ito ng ika- Apatnapu

HAPPY 4TH ANNIVERSARY HONEY!!!!

No comments:

Post a Comment