Search This Blog

Joke Time





UTOT
sa loob ng isang classroom,
juan: mam ang utot ba bumobukol sa brief,
teacher: hindi, bakit??
juan:  Ay sya tae na po ito........
__

Takot
Bruno: Ano ‘yang nasa papel na ‘yan?
Pedro: Listahan ng mga takot sa akin.
Bruno: Patingin nga! Teka… bakit andito ang pangalan ko?
Pedro: Bakit, lalaban ka ba sa akin?
Bruno: Oo!
Pedro: Kung ganu’n… tanggalin! Problema ba ‘yun?
__

Knock Knock
Amo: Knock Knock
Helper: Whos there?
Amo: Amo Mo!!
Helper: Amo Mo Who?
Amo: Tang ina mo inday papasukin mo ako tanga!!!
Helper: ikaw ang tanga kumatok ka kasi wag kang sumigaw ng knock knock!!! BoBo
__


may isang mangyan na namamalimos sa isang ale. sa pagdukot ng pera biglang nalaglag ang sampung piso ng ale at mabilis na tinapakan ng mangyan para di makita ng ale, kayat tinanong eto ng ale: 
ale: hoy mangyan di mo ba tinatapakan yong sampong piso ko. 
mangyan:aba di po!!!!! 
ale: itaas mo nga yang kanang paa mo!!!! 
mangyan: (itinaas yong kanang paa) oh wala po!!!!!! 
ale: itaas mo naman yong kaliwang paa mo!!! 
mangyan: aba naman ale!!! matutumba na ako!!!!!!!!!!!!!!!!!! 



Sa pampasaherong jeep: 



Pasahero: Manong, bayad po (Bente ang ibinayad) 
Drayber: Ilan ang bente? 
Pasahero: Isa lang, kasi kung dalawa yan, eh di kwarenta yan. 
Drayber: Tarantado tong batang toh ah, pilosopo. 
Drayber: Saan galing yung bente? 
Pasahero: Sa nanay ko po. 
Drayber: Bumaba ka na nga!



Kaloy: Anong pulutan n’yo kahapon sa birthday mo? 
Ramon: Pata! 
Kaloy: Wow! Anong klaseng pata? 
Ramon: PATAgalan ng kuwento! 



Saw a woman with big boobs wearing a sweat shirt with "GUESS" printed on her chest. So I said,"implants???". She slapped me!!! 
Kakainis yun! Papa-guess siya, tapos pag mali, nananampal !! 



IKOY: Tay, di ba sabi mo bibigyan mo ko ng P100 pag pumasa ako sa Math? 
TATAY: Oo, bakit, pumasa ka ba? 
IKOY: Gud News,Tay! Di ka na gagastos ng P100.00! 



"Lagi mo na lang akong ikinakahiya, ikinakaila at iniiwan sa ere! Panindigan mo naman ako." – UTOT




Jinggoy: dad, d kita madadalaw ngayon may urine test ako bukas. 
Erap: ok lng anak, aral kang mabuti ah.




ano ang nauna - slippers o tsinelas? 



syempre! slippers! 
kasi nga, sli-first 
tsine-last! 



Day-off ni Inday, at dahil wala naman cyang trabaho, pumunta cla sa mall upang manuod ng X-rated movie. 



Inday: Ui, honey, bawal tau jan! 
Boyfrend: Bakit nmn dear? 
Inday: Tignan mo nga o : Under 18 not allowed. 
Boyfrend: Eh anu ngaujn? matanda na nmn tau ah! 
Inday: Tanga! Bobo! Anu ka ba! Dadalawa lng tau eh! 



KC CONCEPCION: UNEDITED




OVER THE LAST THREE WEEKS, we have been bombarded with news about the Arroyos, the De Limas, the Aquinos, the Topacios and the Revillas/Bautistas. On Sunday, ABS-CBN gave us a breather of sorts. Everyone is now talking about the interrupted romance between Star Magic talents KC Concepcion and Piolo Pascual.



However, the network didn’t allow the public to see the full interview. The show had to edit out statements to protect some personalities. An anonymous source sent us the deleted portions of the tell-all conversation. Indulge!



Boy Abunda (BA): Kristina, napanood mo ba ‘yong viral video ni Atty. Midas Marquez?
KC Concepcion: Tito Boy, I’ve seen worse! Believe me. Hindi lang pilantik ng mga daliri. Hindi lang taas ng kilay. But I don’t wanna go into detail. ‘Di ba may instruction sa atin sina Ma’am Charo at Tita Cory Vidanes na ‘wag pag-uusapan ang gender ni PJ? Sundin natin ‘yon.




BA: Atty. Ferdie Topacio is in the news these days. Ano ang masasabi mo sa kanya?
KC: At least siya Tito Boy, may itlog. Handa niyang itaya ‘yon alang-alang sa taong minamahal niya. Pero ‘yong taong minahal ko, never kong nadama kung may itlog siya. Never niya akong binigyan ng pagkakataon Tito Boy.



BA: Your dad used to support former President Arroyo. I’m sure, you’ve seen her in the news. May reaksyon ka ba sa nangyayari sa dating pangulo?
KC: ‘Yon ang masakit Tito Boy (weeps), ang dating pangulo kasi, malinaw ang kalaban, si Secretary De Lima – babae. Pero ang kalaban ko, lalaki! Ano namang laban ko sa isang lalaki Tito Boy?! Ang sakit eh.



BA: Bukas, November 28, one month na mula nang patayin si Ram Revilla. Your thoughts on the issue…
KC: Tito Boy, Ram is still lucky. Nakakulong ang mga suspek na sumaksak sa kanya. Pero ako? Daig ko pa ang sinaksak nang ilang beses sa puso pero ‘yong suspek, nakakalaya pa rin until now.



BA: Kristina, naglabas recently ng ruling ang Korte Suprema on Hacienda Luisita. Ipapamahagi na raw ang ekta-ektaryang lupain sa maliliit na magsasaka. May mensahe ka ba sa mga farmers?
KC: I am genuinely happy for them Tito Boy. At hanga talaga ako sa mga magsasaka dahil marunong at magaling silang umararo. Pero ‘yong taong minahal ko, hindi eh. Ang sakit Tito Boy. Hindi ko na kaya. (weeps)



BA: Mainit pa ring pinag-uusapan ang RH Bill sa Kongreso. Let’s talk about contraceptives, condoms, in particular. Anong stand mo?
KC: Tito Boy, I can’t relate. Never kaming umabot sa level na pinag-usapan ang protection. Sorry.



BA: I’m sure narinig mo na ang balita. Bohol Representative Rene Relampagos wanted to rename Edsa and call it Cory Aquino Avenue. Pabor ka ba?
KC: Ang hirap magsalita Tito Boy. Pero ito lang ang masasabi ko, nakaka-relate ako sa Edsa Tito Boy. Kasi kapag magkasama kami ni PJ sa kuwarto, dinadaan-daanan lang niya ako.



 BA: Bago tayo maghiwalay, gusto kong mapasaya ka kahit papaano. Let’s play Pinoy Henyo. I will ask Yes, No, or Pwede questions. Ikaw na ang mag-isip ng Henyo word.
KC: Sige Tito Boy. Meron na. (Shows the word to the televiewers: PIOLO)



BA: Tao ba ‘to?
KC: Yes



BA: Babae?
KC: Pwede!



BA: Lalaki?
KC: Puwede!



BA: Alam ko na! Lesbian!?
KC: Pwede!



BA: Bakit gano’n? Lahat pwede!? Hmmm… gay?
KC: Ahm, may memo si Ma’am Charo. Ayokong sagutin.



BA: Ang daya naman. Napapanood or lumabas before sa ABS-CBN?
KC: Yes.
BA: Rustom Padilla sa PBB!
KC: Pwede!



BA: Ang hirap naman. Teka, nagkaroon ba siya ng relasyon sa babae pero kinuwestyon ng publiko?
KC: Oo!
BA: A-ha! Eric Santos! O, naging sila ni Rufa Mae Quinto huh!
KC: Hindi!



BA: Hindi si Eric? Meron pa ba? Wait! Si Kuya Germs!
KC: Hindiiiiii! Hahaha



BA: May anak ba siya?
KC: Oo!



BA: A-ha! Marvin Agustin!
KC: Hindi!



BA: May parating na soap opera?
KC: Oo!



BA: Pinayagan kang magpa-interview para magamit sa promo ng darating niyang soap opera?
KC: Tumpak!



BA: Jericho Rosales?
KC: Hindi!



BA: Ang hirap naman. Sirit na nga!
KC: Hay naku Tito Boy, OA ka. Ini-etchos mo lang ako.



BA: Of course I know it’s Piolo. Pinapangiti lang kita Kristina. Nanonood si Piolo ngayon, anong gusto mong sabihin?
KC: Mark my word PJ, mark my word… lalabas din ang totoo!



BA: Nanonood si MB ngayon, may mensahe ka ba?
KC: Tito Boy, nasa memo ‘yan. Bawal banggitin ang pangalang ‘yan. No comment ako.



BA: One final question Kristina. Ito ang tanong ng sambayanan at gusto nilang marinig mula sa ‘yo ang kasagutan: Bakla ba siya?
KC: Napakabait niyang tao Tito Boy.



BA: Inuulit ko, bakla ba siya?
KC: Sobrang lambing niya Tito Boy.



BA: Kristina, maraming salamat sa pagtitiwala sa ‘The Buzz.’
KC: Thank you Tito Boy.



BA: Mga kaibigan… bukas po ang aming programa sa panig ni Piolo Pascual. Ang sa akin lang, huwag sana tayong humusga kaagad. Sa lahat ng usapin, marapat po lamang na pakinggan natin ang dalawang panig. Sa isyu naman ng homosekswalidad, gusto kong ibahagi ang sinabi ng American actor and playwright na si Harvey Fierstein. He said, “Never be bullied into silence. Never allow yourself to be made a victim. Accept no one’s definition of your life; define yourself.” Magbabalik po ang ‘The Buzz!’



[Alvin Elchico: Sa ulo ng mga nagbabagang balita... ]



Overheard: Sinungaling si Tito Boy. Hindi na bumalik ang ‘The Buzz.’



Say Something!
Isang suhestyon sa kadalasan ay magulong TV Patrol Poll:
Anong basic na pangangailangan ni KC Concepcion ang hindi maibigay ni Piolo Pascual?A: Oo B: Hindi. #angLabo!
To vote, type TVP A or B and send to 2222 for all networks except for GMA7 and TV5.




More Jokes



Kapag walang bolpen, walang notes. Kapag walang notes, walang pag-aaral. Kapag walang pag-aaral, walang diploma. Kapag walang diploma, walang work. Kapag walang work, walang pera. Kapag walang pera, walang pagkain. Kapag walang pagkain, magugutom. Kapag nagutom, papayat. Kapag pumayat, papanget. Kapag pumangit, walang gf/bf. Kapag walang gf/bf, walang asawa. Kapag walang asawa, walang anak. Kapag walang anak, madedepress. Kapag nadepress, magkakasakit. Kapag nagkasakit, mamamatay ka. Kapag namatay ka, wala ka na. Kaya, ingatan mo yang ballpen mo!
_______



Bakit walang kulay ang utot? Kasi, kung meron, mawawala yung thrill nang paghahanap kung sino ang umutot.
______



Pare, tulungan mo ako. Panay kalabit ng asawa ko. Anong problema doon. Wala ka ba sa mood? Eh hindi ganoon. 3 taon nang patay ang asawa ko eh.
_______



Sino nakakita sa aksidente? Ako po sir! Buti naman may witness. Kita mo ba plate number? Oho, nagsisimula ho sa 4. Ano kasunod? Registration po.
_______



What do you call two ugly people stabbing each other? Answer: Saksakan ng pangit! Hehehe.
________



Kung malaki ang eyebags mo, huwag mong ikahiya! Kasi, pinagpuyatan mo yan eh.
______



Old lady calls to her daughter. Papauwi ka na ba? Asan ka na? Daughter: Andito po ako sa hospital. Her mom cried. Anong nangyari sa iyo?!



Daughter: OMG Inay! Nurse po ako! Nurse!!!
_______



May isang Mangyan sa Jollibee. Mangyan: Pabili ng pulot (honey). Crew: Wala po kaming tindang pulot. Mangyan: Kayabangan mo! Laking-laki nung Bubuyog sa labas!
_______



Inday, punta ka sa botika. Ibili mo si sir ng Viagra. Maid: Sa iyo ba gagamitin ni Sir? Misis: Bakit? Maid: Kasi, pag sa akin, Red Bull lang, pwede na!
_______



Sen. Cayetano: It's now the turn of Sen. Lapid to ask witness Jun Lozada. Sen. Lapid: Ha? Pass! Sen. Cayetano: Hindi pwede. Dapat lahat tayo, magtanong! Huwag ka nang mahiya, anong nasa isip mo ngayon? Sen. Lapid: Ha? Eh, kaanu-ano mo si Ike Lozada?
______



Money can't buy happiness, but somehow, it's more comfortable to cry in PORSCHE than on a bicycle.
_______



How do you compare Erap and Mike Arroyo? Both are billionaires. Both Ateneans. Both fat. Both alias Jose. Both are liars. Pero si Erap, mas may taste sa babae!
_______



It's not true that beer makes you fat. It actually makes you lean. Lean on walls, lean on doors and lean on to the person you love. Yun yun eh! Lasing lasingan, para-paraan!
_______



Mike Arroyo met Gary Kasparov. Mike: If the present situation in my country is like a chess game, what would you do? Gary : Sacrifice the queen, ride the horse, leave the castle, follow the bishop and resign!
_______



Pari, nagmimisa. Sino sa inyo ang may kaaway? Taas kamay lahat pwera sa isang matandang babae. Pari: Si lola lang ang walang kaaway. Ano po ang edad nyo, lola? Lola: 93 anyos. Pari: Tingnan nyo si lola, 93 anyos na pero walang kaaway! Lola, bakit wala kayong kaaway? Lola: Patay na ang mga walang hiya! (nyah!)
_______



Alcohol solves no problems, neither does milk. Pero buti pa ang alak, libre kung minsan. Ang gatas? Meron bang nanglibre ng gatas at sabi, tara dede tayo!?
_______



Kung amoy putok ka, be proud! Pinagpawisan mo yan eh!



_______



Chinese Diplomat: Madam Plesident, we heard you have a shortage of lies (rice). GMA: To tell you frankly, we will never run out of it!
________



Sabi ng puso ko, mahal ko sya. Sabi ng utak ko, huwag, hindi tama. Sabi ko naman, O, baka yung atay, bituka, baga dyan, gusto ring magcomment. Go on!
_______



Kung hindi mo kayang magpaliwanag, magpagabi ka na lang! (ayus!)
_______



Pinadalhan ni Vicky Belo ng sulat ang lahat ng gwapo at magaganda. Alam mo ba kung ano ang laman ng sulat? Hindi mo alam? Hindi ka pinadalhan??!
_______



Bakit hindi pwedeng magsuot ng hairnet ang mga kalbo? Kasi, magmumukha silang microphone! Wahaha! Extreme! Extreme! Magic sing!
_______



Time, I've been passing time watching trains go by... - Guard sa LRT. Hahaha!
_______



Three men who were about to go to outer space but only allowed one thing to bring.
Man1: I wanna go with my wife. I can't be without my wife for a year.
Man2: I'll go with my book. I want to have more knowledge.
Man3: Give me a pack of cigarettes, I'll die without it in my life.
One year later, they came back.
Man1 came out with a child, the second came and spoke words nonstop.
The last man came out very angry. Tangna! Lighter nga pala! Sad noh?!
Misis : Darling, ano ang tawag sa isang asawa na sexy, maganda, hindi selosa, mapagmahal, masipag, mapagkalinga, masarap magluto?
Mister: Guni-guni!



***
TANONG: Paano mo sasabihin sa isang babae na mataba siya nang hindi
siya mababastos?
SAGOT: "Uhm, excuse me, miss...Mang Tomas ba ang lotion mo?"



***
Aanhin ko ang napakalaking bahay, mamahaling sasakyan, milyun-milyong kayamanan, at masasarap na pagkain kung ang kapit-bahay ko ang may-ari ng mga iyun?!



***
Nanay: Ano 'tong malaking zero sa test paper mo?
Anak : Hindi po 'yan zero, 'Nay. Naubusan lang
ng star ang teacher ko kaya binigyan niya ako ng moon! Moon lang 'yan, 'Nay, promise!



***
Mga sikat na salawikain:
Better late than pregnant.
Kapag may tiyaga, good luck!
Aanhin pa ang damo...kabayo ba ako?
Do unto others, then, run! Run! Run!
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay lumaki sa ibang bansa
Ang lalaking nagigipit, sa bakla kumakapit.



***
Guro: Sino si Jose Rizal?
Juan: Di ko po kilala.
Guro: Ikaw Pepe?
Pepe: Di ko rin po kilala..
Guro: Di nyo kilala si Jose Rizal?
Pedro: Ma'm, baka po sa kabilang section sya!



***
Husband: Kung di ako makaligtas sa operasyon ko bukas, ikaw na sana ang bahala sa lahat-lahat. .. I LOVE YOU!
Wife: Tumigil ka! wala pang namamatay sa TULI!



***
Pedro: Pare balita ko bading ka daw. totoo ba?!
Ambo: Pare, Mga chismax lang 'yun galing sa mga chuvanes na walang magawa sa mga chenilyn nila.... chura nila! hmpf!



***
Boy: Di na tuloy ang kasal natin
Girl: Bakit?!
Boy: Kuya mo kasi eh!
Girl: Hindi no! Gusto ka ng Kuya ko!
Boy: Yun nga eh...gusto ko rin ang kuya mo!




***
Juan: Saan ka galing?
Pedro: Sementeryo, libing ng byenan ko.
Juan: E bakit puro kamot ang mukha at braso mo?
Pedro: Mahirap ilibing eh... Lumalaban!!



***
BALIW (tumawag sa mental hospital): Hello...
may tao po ba sa Room 168?
Telephone Operator: Wala po, bakit?
Baliw: Check ko lang kung nakatakas talaga ako!



***
Misis: lolokohin ko mister ko,magpapanggap ako na prosti dito sa kanto.
Timing (dumaan ang mister nya...)
Misis: Pogi! available ako ngayon, pwede ka ba?
Mister ; Yoko sayo...kamukha mo misis ko!



***
Bigo ka ba sa luv? eto mga gud partner...



Kuba: Mapagkumbaba
Pilay: Hindi ka tatakbuhan
Bulag: walang paki sa looks mo
Pipi: Hindi nagbibitiw ng bad words
Duling: Hindi ka hahayaang mag-isa!



***
American guy named Paul challenged a Filipino:
American: Use my name 4 times in a sentence!
Pedro: Paul, be carePaul, you might Paul in the swimming Paul.




Quote for the Day...
Ang Buhay ay parang bato...it's Hard.



***
Love is a hidden fire, a pleasant sore, a soothing pain, an agreeable torment, a sweet wound, in short - a gentle death! Ang lalim! Shit! Dati Love is blind lang, eh!



***
Mister: Di ko na kaya problema ko!
Misis: Hon, problema natin ito, tayo
ang magkasama sa buhay, lahat ng problema mo problema
ko... ano problema natin?
Mister: Nabuntis natin si Inday, tayo ang ama!



***
Kapag may kaaway ka, tandaan mo...dito lang ako...
dito lang talaga ako...tapos dyan ka lang, wag kang pupunta dito! Baka madamay ako.



***
Prospective Employer to Applicant: " So why did you leave your previous job?"
Applicant: " The company relocated and they did not tell me where!"



***
Juan: Birthday ng asawa ko...
Pedro: Ano regalo mo?
Juan: Tinanong ko kung ano gusto niya.
Pedro: Ano naman sinabi?
Juan: Kahit ano basta may DIAMOND.
Pedro: Ano binigay mo?
Juan: Baraha.